Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Padyak para kay Chulani

0 409

NAGDAOS ang Ronda Pilipinas ng tribute ride na nagsimula at natapos sa Tarlac Recreational Park sa San Jose, Tarlac bilang pagpupugay at pag-alala kay late chairman Moe Chulani.

Taimtim at madamdamin ang nasabing event na na binansagang “A MeMOErial Ride, A Ride for Moe,” kung saan ang mga dumalo ay ang kapatid ni Chulani na si Ravinder, close friend at Ronda co-founder Dino Araneta at past champions Jan Paul Morales, Ronald Oranza at George Oconer.

Aprubado ng Inter-Agency Task Force at local government ng Tarlac, ang tribute ba dinaluhan ng teams mula sa Navy-Standard Insurance, 7-Eleven, Go for Gold, Army-Bicycology, Tarlac, Placido Valdez’s developmental team at executive friends na sina Jeremy Randell Go, Quin Baterna, Wilson Cheng at Roland Cunanan.

Related Posts

“This is for Moe,” saad ni Ronda project director Bernadette Guerrero.

Sa liderato ni Chulani, naka-10 edisyon ng Ronda bikaton na nagsimula noong 2011, nakapaghubog ng best cyclists para sa bansa kasama si Oconer na nagkampeon sa nakaraang taon. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.