Una sa Balita

Padyak ni Daniels nag-alpas sa PH Azkals vs Bangladesh

By
0 371

KINASANGKAPAN ng Philippine Azkals ang dalawang krusyal na save ni goalkeeper Louie Casas sa maaga ng 1st half, bago ang iskor ni Kenshiro Daniels mula sa assist ni Misagh Bahadoran sa 24th mi­nute para sa mahirap na pagbasak sa puso ng Bangladesh, 1-0, nitong Biyernes ng gabi sa may 25,000 upuang Sylhet District Stadium sa Sylhet City, Bangladesh.

Sinementuhan ng Nationals ang top spot sa Group B sa 2-0 win-loss record pa-semis sa Martes, Oktubre 9 ng alas-2:30 ng hapon (alas-4:30 n.h. oras sa Maynila) sa kalapit na Cox’s Bazar Stadium laban sa magiging Group A 2nd placer sa magsa­salpukan kahapong Pa­lestine (1-0)-Nepal (0-1) o Tajikistan (1-1).

Unang binalandra ng mga kampon ni coach Anto Gonzales ang Laos noong Miyerkoles, 3-1, sa mga birada nina Jovin Bedic, Javier Augustine Gayoso at Misagh Bahadoran sa ika-44, 53 at 82 mins., ayon sa pagkakasunod.

Ang pagsabak ng Pinoy booters dito’y bahagi ng preparasyon sa pagsipa sa 12th ASEAN Football Federaton 2018 Suzuki Cup sa Nobyembre 8-Disyembre 15 sa iba’t ibang mga lungsod ng mga bansang kabilang sa nabanggit na rehiyon, at sa 17th Asian Football Confederation 2019 Asian Cup sa Enero 5-Pebrero 1. ()

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy