Una sa Balita

‘Padede Mom pa rin ako’

0 382

Padede Mom, ‘yan ang proud na proud na tawag ni Marian Rivera sa sarili niya. At katunayan, nagpa-pictorial pa siya, na medyo labas ang kanyang dibdib, karga si Baby Ziggy, na sa unang tingin ay parang dumedede sa kanya.

Pero sa malapitan, o ‘pag nag-zoom ka, ­hindi naman ganu’n ang makikita mo. ­Inilapit lang ni ­Marian ang mukha, bibig ng kanyang baby, sa mismong­ dibdib niya.

Anyway, heto nga ang caption ni Marian sa kanyang Instagram, ­bilang suporta sa mga Padede Mom na tulad niya:

“Nais kong ­ipakita ang suporta ko sa breastfeeding advocacy magmula noon hanggang ngayon. Bagamat nakapagsimula ako ng solids kay Ziggy sa mga nakaraang araw base sa payo ng ­aming ­pediatrician, wala akong plano na ihinto ang aking pagiging ‘Padede Mom’ sa aking bunso. Batid ko ang kahalagahan ng eksklusibong pagpapasuso mula 0-6 months.

“Isang pakiusap ­lamang po, nawa’y sa adbokasiyang eto ay hindi tayo makasakit ng damdamin ng mga kapwa natin ina, nawa’y hindi gamitin ang pangalan ko sa mga komento­ at mensahe na humuhusga sa pagbigay ko ng masustansyang gulay sa ­aking anak. Kinikilala ko po ang rekomendasyon ng WHO patungkol sa complementary ­feeding.

“Eto po ang ­sundin nyo. Kung meron man akong ginawa na ­hindi base dito, ­huwag ­naman sana itong ­maging batayan para ako ay mahus­gahan. Lahat po tayong ina ay gusto lamang ang ‘best’ sa kanyang anak. Hanggat kaya ko ay lalaban­ ako bilang #padedemom.”

Well, may mga humusga nga kasi kay Marian dahil sa maaga umano niyang pagpapakain ng ‘gulay’ o solid food sa kanyang bunso.

Pero para sa kanyang mga supporter, tama ang kanyang gina­gawa. Na si ­Marian nga raw ang mas nakakaalam sa kung ano ang dapat para sa kanyang anak.
Kunsabagay, pangalawang anak na ni Marian si Ziggy. At ang ate ni Ziggy na si Zia ay super healthy ngayon.

Na kung ano nga siguro ang ginawa ni Marian kay Zia ay ‘yun din ang ginagawa niya ngayon kay Ziggy.

Heto nga ang reaksyon ng mga tagahanga ni ­Marian:

dyz_lily, “Only you know what is best for your baby. You’re the BEST MOM ever. I salute you (heart ­emoticon). You don’t care negative ­comments. We’re so proud of you.”

aubreycarampel, “You’re doing a good job, Mommy Yan! Tama ka, All we want is what’s best for our kids. I think Ziggy is ready to eat ­solid foods. And by the way, napakaganda ng photo na ito.”

marteelee, “Ang pagbibigay ng solid food ay pwedeng mag umpisa as early as 4 months – 6 months. Oo nga at nire­komenda ng WHO ang pagbibigay ng solid food at 6 months pero hindi ibig sabihin na kapag inum­pisahan ng mas maaga dito ay mali at isa ng malaking kasalanan. Hindi mali ang ginawa­ mong pagbibigay kay Ziggy ng solid at 4 months @marianrivera. Walang ina ang gagawa ng bagay na ikasasama sa anak at alam ko naman na lahat ng desisyon mo bilang ina ay may patnubay­ ng ­pediatrician.

“Sa mga taong mahilig pumuna sa kapwa, siguraduhin nyo muna na tama din ang sinasabi nyo at may basehan. Isa kang huwarang ina at breastfeeding advocate @marianrivera at hindi magbabago ang pagha­nga ko at paniniwala sayo kahit ano pang sabihin ng mga taong wala naman napapatunayan pa sa kanilang kapwa. More power my dear Padedemom and I support your ­#NoToMomShaming.”

Cherry Pie
‘nagpababoy’ kay Mark McMahon

Nakakagulantang ang mga eksena ni Cherry Pie Picache, kasama ang seksing si Mark McMahon sa pelikulang “Call Me Tita.” Ang tapang din nitong si Mark na maghubo sa harap ni Cherry Pie, ha!

Punong-puno ng lampungan ang ­dalawa. Na halos ­lahat na yata ng posisyon ay nagawa nila, mula sa patayo, paupo, ­hanggang sa patuwad, ha! Pero, bongga rin ang tawa ko sa mga eksena nila, lalo na sa puntong nagdadayalog na ang lalaki, ha! At oo, nagpasilip din ng ‘skin’ si Cherry Pie, ha!

Pero, pinakabongga sa akin ay ang eksena na sa gitna ng kaloka-lokahan niya, kalan­dian niya, pakikiapid niya sa ibang lalaki at panloloko sa kanyang mister (Jay Manalo), bigla niyang mari-realize na ‘binababoy’ na pala siya.

Naku, watch niyo ang eksena na ‘yon, dahil pinaghalong tawa at drama ang ginawa ni Pie roon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy