Una sa Balita

Padayon mga artista ng bayan!

0 242

Dear Editor,

Sumulat po ako upang batiin ang mga magtatapos na apprentices ng PUP Sininglahi Polyrepertory. Mga bagong tagapagsulong ng sining na naglilingkod sa bayan.

Ipinalabas po nila ang dulang pinamagatang “Bay Ani” sa tanghalan ng bayan, COC Theater, sa PUP bilang pagbibigay-pugay sa ating mga kapatid na Lumad. Patunay ito na ang mga sining ng pagdula ay hindi pa nawawala sa ating lipunan. At nakatutuwang ang mga sining na itinatampok ng PUP Sininglahi Polyrepertory ay naglilingkod sa at binibigyang boses ang ating mga kapatid na marginalisado.

Nawa ang mga ganitong uri ng pagtatanghal ay patuloy na suportahan hindi lamang sa mga akademya. Maituturing nating mataas na uri ng sining ang sining na naglilingkod sa bayan. Mabuhay PUP Sininglahi Polyrepertory. Padayon!

Kidlat Mangyan ng Tulos Baybay PUP

Magkomento sa mga isyu ng bayan. Para sa inyong saloobin, mag-email sa abantetonite@gmail.com upang maipaabot sa mga kinauukulan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy