Una sa Balita

Pacquiao walang problema kahit underdog

0 396

By Fergus Josue, Jr.

TINAPOS na ni ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao ang training camp sa Maynila, naka-iskedyul na lumipad pa-Los Angeles Sabado ng gabi bilang paghahanda sa WBA welterweight championship match kontra undefeated American Keith Thurman.

Sinimulan ni eight-division world champion Pacquiao ang kanyang training sa Maynila sa Elorde Gym malapit sa Mall of Asia Arena sa Pasay at naging sparmate niya si Australian fighter Tim Tszyu.

Susubukan ni Pacquiao na i-unify ang ‘regular’ welterweight title na hawak niya sa ‘super’ title na hawak naman ni Thurman sa Hul­yo 20 (Hulyo 21 sa Maynila) sa MGM Grand sa Las Vegas.
“At age 40, I want to prove I can still beat an undefeated champion,” banat ni Pacman.

Naging maganda ang unang dalawang taon na pagbabalik niya sa ring, nasungkit niya ang WBA regular welterweight title kontra Lucas Matthysse noong 2018 habang nadepensahan naman niya ito noong Enero kontra Adrien Broner.

Mas pinapaboran ang mas batang si Thurman pero maluwag naman itong tinanggap ni Pacquiao sabay banat na mas gusto niya ang pagiging underdog.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy