Una sa Balita

Pacquiao walang galit kay Karen

By
0 740

Nilinaw ng tinaguriang Pambansang clown ng Senado na si Senador Manny Pacquiao na hindi ito na-offend sa kontrobersiyal na tanong na ibinato sa kanya ng broadcaster na si Karen Davila sa isang panayam sa telebisyon.

Sa television interview na dinaluhan ni Pacquiao kung saan host si Davila ay nagisa ito sa pagkuwestiyon ng brodkaster sa education background ng senador.

Nanawagan din si Pacquiao sa publiko na itigil na ang pambabatikos kay Davila dahil parte aniya ng trabaho ng mamamahayag ang magbigay ng mabibigat na tanong sa kapanayam.

“For the record, I was never offended by her manner of questioning. Isa po siyang batikan sa larangan ng Broadcasting at trabaho po niya na magbigay ng mabibigat na tanong sa taong kanyang ini-interview,” paliwanag ni Pacquiao.

“Pakiusap ko lang po: LET US STOP THE HATE. Magtrabaho lang po tayo para sa kapakanan ng ating bayan. Sa lahat ng pagsubok, tandaan po natin: God is good all the time,” dagdag nito.

Sinabi pa ni Pacquiao sa interview na hindi ito titigil at susuko na makakuha ng college degree. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy