Una sa Balita

Pacquiao vs Thurman kasado sa Hulyo 20

0 332

PORMAL na ang pagbabalik ni “Pambansang Kamao” Manny Pacquiao sa boxing ring.

Sa Hulyo 20, muling makikipagsapakan ang eight-division world pro boxing champion para harapin ang matikas na undefeated boxer na si Keith Thurman ng Estados Unidos sa unification bout ng World Boxing Association (WBA) welterweight belt.

Ito ang inanunsyo ng 40-anyos na mambabatas sa kanyang social media account nitong Linggo.

“The summer just got a little hotter!” tweet nito na excited sa papara­ting na laban.

Hindi pa sigurado kung saan gaganapin ang paghaharap. Pero dalawang venue ang pinagpipilian na parehong nasa USA, ang MGM Grand at T-Mobile Arena na parehong sa Las Vegas, Nevada.

Ito ang ikatlong laban ni Pacquiao buhat nang matalo kontra Aussie Jeff Horn noong 2017.

Sa huling dalawang laban, dominanteng porma ang pinakita ng fighting­ senator tapos pabagsakin si Lucas Matthysse ng Argentina sa seventh round, ang kanyang unang knockout victory sa siyam na taon. Pinakitaan naman si Adrien Broner nitong Enero para sa solidong unanimous decision victory.

Si Thurman naman ay nananati­ling walang dungis sa 29 na laban, 22 sa panalo ay galing sa knockout. (Ray Mark Patriarca)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy