Una sa Balita

Pacquiao, Villanueva, Angara rumampa sa CLRAA Meet 2018

By
0 1,554

Tatlong senador ng Republika ng Pilipinas ang dumalo sa pagratsada ng Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) Meet 2018 sa Bulacan Sports Complex, Brgy. Sta. Isabel, Malolos City, ­Bulacan kamakalawa.

Sinalubong nina Senators Emmanuel “Manny” Pacquiao, Juan Edgardo “Sonny” Angara at Joel ­Villanueva kasama ang mga opisyal ng lalawigan sa pangunguna nina Gov. Wilhelmino M. Sy-Alvarado at Vice Gov. Daniel R. Fernando at opisyales ng Department of Education (DepEd) ang 11,391 na de­legado mula sa 20 dibisyon ng Rehiyon 3.

Bilang tagapangulo ng Senate Committee on Sports at isang atleta na kilala sa buong mundo, pinayuhan ni Senador Pacquiao ang mga estudyanteng atleta na magkaroon ng disiplina, pokus at katatagan upang makamit ang kanilang mga mithiin.

Abante Hiring – IT dep

“Posibleng nandito ngayon ang susunod na magiging world-class athlete. Posibleng isa sa inyo ang susunod na Manny Pacquiao sa boxing. At posibleng nandito sa inyo ang magiging gold medalist sa Southeast Asian Games o sa Olympics na darating because with God, all things are possible,” anang 8 division world champion.

Gayundin, ibinahagi ni Senator Angara ang kanyang kagalakan sa pag-aakda at pag-i-sponsor ng Republic Act. No. 10699 o ang “National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act”. (Jun Borlongan)