Una sa Balita

Pacquiao umapela ng ayuda: Donasyon n’yo dodoblehin ko!

0 436

LABIS na nalungkot at naapektuhan si World Boxing Association (WBA) ‘super’ welterweight­ champion Senator Manny Pacquiao­ sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Taal Volcano nitong Linggo.

Kaya naman, nanawagan ang ‘Pambansang Kamao’ sa lahat ng may ginintuang puso na mag-donate ng kahit anong halaga at dodoblehin umano niya ito.

“Whatever we raise,” sabi ni Pacquiao sa video message nitong Huwebes. “All the donations, whatever it costs, I will double that so we can help more people.”

Nitong nagdaang Linggo ay sumabog ang Taal Volcano at umabot sa iba’t ibang probinsya ang ibinuga nitong ashfall, pinakaapektado ang mga taga-Batanggas na ilang araw nang walang kur­yente, tubig, pagkain at damit.

Hanggang sa oras na ito ay hindi pa rin inaalis ang posibilidad ng mas malakas na pagsabog o major eruption kaya umaapela ng tulong ang nag-iisang eight-division champion.

Kilalang malambot ang puso at matulungin ang 41-anyos na champion boxer dahil siya mismo ay nagmula sa hirap.

“I’ve experienced not having anything to eat and not having a place to sleep,” sabi pa ni Pacquiao.

“These people need our help.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More