Una sa Balita

Pacquiao tuturuan ng leksyon si Thurman

0 350

manood ka!

BILANG mas nakakatanda at may malawak na ekperiyensa sa ibabaw ng boxing ring, bibigyan umano ng leksyon ni World Boxin­g Association (WBA) ‘regular’ welterweight king si ‘super’ 147-pound titlist Keith Thurman sa kanilang showdown ngayong araw sa MGM Grand sa Las Vegas.

“I want to teach him, like a professor,” sambit ng 40-anyos na si Pacquiao (61-7-2, 39 KOs) matapos tumimbang ng 146 ½ pounds sa official weight-in kahapon.

“It’s gonna be a good fight because I want to prove something. I’m so focused for this fight. I’m ready for tomorrow.”

Iginiit ni Pacquiao na marami pang natitira sa kanya kahit nagkakaedad na siya.

“We know that a lot of our fans and people in boxing were doubting my capability at the age of 40,” sabi pa ni Pacquiao.

“So I have to prove something this time because at the age of 40 I’m not thinking about my age. I’m thinking about what I can do for the fans.”
Ilang ulit dineklara ng 30-taong gulang na undefeated American champ na si Thurman (29-0, 22 KOs) na pagrereteruhin na niya ang eight-division champion.

“I am not going to be nice to him in the ring,” sabi ni Thurman, may bigat ding 146 ½ libra. “We can be friends afterward. He already has another job. He is a senator in the Philippines.”

Ikaanim na pagdepensa na ito ni Thurman ng kanyang WBA 147-pound diadem. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy