Una sa Balita

Pacquiao tumakas sa sesyon?

By
0 257

Nangako siyang hindi na aabsent sa trabaho. Pero hindi naman ito nangakong tatapusin niya ang bawat sesyon ng Senado.

Nitong Miyerkules ng hapon, sa ikalimang sunod na araw ay present sa sesyon ng Senado si boxing icon at Sen. Manny Pacquiao nang buksan ang ito dakong alas-tres ng hapon.

Subalit pasado alas-kwatro ng hapon, bakante na ang upuan ni Pacquiao sa Senado bago pa man nag-adjourn ang sesyon pasado alas-singko.

Mukhang hindi tinapos ni Pacquiao ang sesyon ng Senado para lang makapaglaro sa PBA kagabi.

Makakasagupa kasi ng wala pang talong koponan niyang Mahindra ang delikadong koponan ng Alaska sa main game sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City na kapag rush hour ay tinatakbo ng dalawang oras mula Senado patungong Cubao.

Sinikap ng pahayagang ito na kunan ng pahayag ang media relation officer ni Pacquiao upang kumpirmahin sa kanyang tumakas nga ba sa sesyon ng Senado ang senador pero habang sinusulat ang balitang ito ay hindi pa ito sumasagot.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More