Una sa Balita

Pacquiao todo kendeng kina Princess, Queenie

0 594

SENATOR, boxer, dancer.

‘Yan ngayon ang peg ni Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao.

Sa instragram video na pinost ng fighting­ senator Sabado, makikitang cool na cool siyang umiinda­yog kahilera sa misis niyang si Jinkee habang tinuruang suma­yaw ng dalawa nilang anak na babae na sina Princess at Queenie.

@mannypacquiao: “Our daughters teaching us how to be cool,” saad ng eight-time world professional boxing champion sa kanyang IG kung saan sobrang groovy nilang sinayaw ni Jinkee ang awiting ‘The Weekend’ ni Sza kasabay ng da­lawa nilang prinsesa.

Umabot na sa 49K ang views ng video ng Pinoy ring icon kung saan marami rin ang nag-react.

“Too cute!! Boxers can be dancers too! In case you need dancers for concerts @sza we have 4 ready for you!!,” bilib na comment ni @angela_m_l.

Ilang araw pa lang, nag-throwback si Pacman sa kanyang nagdaang 25 taon bilang professional boxer hanggang maging eight-time division champion.

“January 22, 1995 – 25 years ago today, I started my professional boxing career,” paunang caption ni Pacquiao sa kanyang IG story na makikita ang litrato niyang 16-anyos pa lang.

Nakasaad rin ang kuwento ng buhay niya at kung paano­ niya ginamit ang boxing­ upang iangat ang sarili at pamilya sa kahirapan. (Aivan ­Denzel Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More