Una sa Balita

Pacquiao tatakbong pangulo sa 2022 ‘kapag pinagkaloob ni God’

0 2,719

Kapag umano binasbasan ng Panginoon, posibleng tumakbo sa pagka-pangulo si Senador Manny Pacquiao.

Ito ang pahayag niya sa press conference para sa pelikula ng talambuhay ni General Miguel Malvar, na pagbibidahan ni PacMan.

“Hindi ko pa iniisip ‘yan. May isang term pa ako as a senator. ‘Yung pagiging presidente naman kasi, iyan ay anointed by God,” sabi ni Pacquiao sa ulat ng Bandera.

“Kahit gustuhin mong maging Pangulo ng Pilipinas, kung hindi ‘yan ipagkakaloob sa’yo ng Diyos, hindi ka mapupunta doon…Ako ay naniniwala na kung ilalagay ka diyan (Malacañang) ng Panginoon, mangyayari ‘yan, pero kung hindi para sa’yo, hindi ‘yan mangyayari,” dagdag nito.

“Presidente” na ang tawag sa senador sa nasabing event.

Unang binalita ang pagsasapelikula ng buhay at paglaban ng tinuturing na bayaning Pinoy noong petsa ng kapanganakan nito, Setyembre 27.

Ipo-produce ang “General Malvar” ng Miguel Malvar Production ni Batangas Governor Hermilando Mandanas at JMV Productions na pinamamahalaan ng apo ni Malvar, si Atty. Jose Malvar Villegas, Jr..

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy