Una sa Balita

Pacquiao takot nang manakawan

0 323

SA nakaraang laban ni Manny Pacquiao nitong Enero kontra Adrien Broner, bumalik ito sa kanyang mansyon sa Larchmont Park na nilimas ng mga magnanakaw.

At ‘di na hahayaan ng ‘Pambansang Kamao’ na mangyari ulit ito.
Makakasalpukan niya si Keith Thurman­ ng United States sa Linggo, Hulyo 21, sisiguruhin ng kampo ng eight-division world champion na 24 oras na may mga nakabantay sa kanyang taha­nan sa Los Angeles.

“This time we have assigned someone to keep watch. There will also be a 24-hour roving police,” ayon kay Carlos Homo, ang head security ng Team Pacquiao.

‘Di na nabatid kung ano ang mga nakuha sa mansyon ni Pacquiao, ngunit may ilang nakapagsabi na ilang mga branded clothes at isang laptop ang nauwi ng mga magnanakaw, wala umanong perang nakuha.

Samantala, pahinga­ muna ang fighting senator sa ensayo nitong Biyernes (Sabado sa ‘Pinas) para makaiwas sa burnout lalo’t 40-anyos na siya.
“When I feel tired, I give my body more time to recover. It’s not like before. As you grow older, it’s more difficult to recover,” saad ni Pacquiao.

Ayos naman ito para sa kanyang trainer­ na si Freddie Roach.
“I’m actually happy with that,” ani ng world-class trainer. “Tomorrow, I expect him to look great again.” (RMP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy