Una sa Balita

Pacquiao super tutok sa Bible study, training

0 269

abante-anything-goes-jun-lalinAlam mo, Dondon, noong S­aturday (kahapon sa Philippines dahil behind ng 15 hours ang West Coast) ay nagpunta ako sa Dollar Hits restaurant sa may Temple St., Los Angeles, California.

Ang lugar na ‘yon ang tinaguriang Historic Filipino Town. Dinatnan ko ang ow-ner na si Elvira Chan na sobrang busy.

“Naghahanda kasi ako ng food na order at dadalhin mamaya sa house ni Manny Pacquiao,” sey ni Tita Elvira.

May Bible study raw kasi sa bahay ng ating Pambansang Kamao.

Actually, kahit nga abala si Manny sa kanyang boxing training ay madalas pa rin ang Bible study sa kanyang bahay sa LA.

Anyway, sa Monday (Sunday pa lang dito sa Amerika) ay tutulak na si Manny kasama ang kanyang Team Pacquiao pa-Las Vegas, Nevada kung saan may boxing fight siya against Keith Thurman on Saturday (Sunday lunch time sa atin) sa MGM Grand Arena.

Ruffa bawal dumalaw sa dorm ni Lorin sa US

Mga 6:30AM kahapon ay tinawagan ko si Ruffa Gutierrez para i-check kung nasa airport na siya dahil 8:30AM ang flight niya pa-LA (via Hong Kong).

“My gosh, we just left the house. So stressful!” sey niya.

Noong Saturday evening daw kasi ay nag-ayos na siya ng mga gamit, including the wardrobe na isusuot nga niya kahapon, pero nang magising siya, hindi na niya makita ‘yon, pero nahanap din naman at nakaalis siya agad, pero nang nasa Skyway na sila, tumawag ‘yung isang tao sa bahay nila dahil nawawala raw ang dog niya.

“Hindi naman talaga nawawala. Naiwan pala sa room ko. So, bumalik pa kami para buksan ang door ng room ko, kaya stressful at baka ma-late ako,” sey ni Ruffa.

Pero ng bandang 7:30AM na kausap ko uli siya, nasa lounge na siya at almost boarding na raw.

“I made it!” sey niya.

Gusto ni Ruffa pagdating ng LA ay pupunta siya sa UCLA sa dorm ng anak na si Lorin.

“I wanna see the place,” sabi niya, pero sabi naman sa akin ni Lorin, not allowed na ang kahit na sino na umakyat sa dorm nila.

“How sad!” reaction ni Ruffa.

Anyway, sabi ko sa kanya, kasama ko namang susundo sa kanya sa airport si Lorin, kaya magkikita sila kaagad.

Kailangan nga lang na ihahatid din namin si Lorin dahil hindi allowed na hindi ito umuwi ng dorm.

Makakasama nga rin pala ni Ruffa sa LA ang bunso niyang si Venice dahil umalis naman ito kagabi papunta dito kasama si Elvis Gutierrez.

Parehong manonood sina Ruffa at Elvis ng boxing fight ni Manny.

Annabelle aligaga sa award ni Eddie

Isa si Eddie Gutierrez sa ICON awardees ng EDDYS Awards Night ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) na ginanap sa New Frontier Theater sa Araneta Center kagabi.

Siyempre, panay ang tawag sa akin ni Annabelle Rama to coordinate.

Tanong niya sa akin, hindi raw ba masyadong maaga ang 7:00PM na oras na pinapupunta ko si Tito Eddie sa venue ng EDDYS?

Sabi ko, palaging maagang nag-i-start ang EDDYS like last year na nag-host sina Ruffa at Raymond Gutierrez.

Anyway, ang nasabing awards night kagabi ang isa sa big events na pinag-uusapan ngayon in and out of showbiz!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy