Una sa Balita

Pacquiao sopla sa rematch kay Floyd

0 529

TINIYAK ni Mayweather Promotion CEO Leonard Ellerbe na hindi na muli lalabanan ni Floyd Mayweather Jr. si Manny Pacquaio maski si Saul ‘Canelo’ Alvarez.

Isang malaking tanong ng mga tao kung may magaganap na rematch sa pagitan nila Floyd at Manny dahil sa paulit-ulit na pa­tutsadahan ng dalawa sa kani-kanilang social media account.

Kaya naman nag-anunsyo na ang Mayweather Promotions na kung papayag ito sa rematch ay malalaman agad ni Pacquiao.

Related Posts

“Floyd’s just being him and doing him. If Floyd wanted to run that back (with Pacquiao), he’ll let y’all know. He’d come out and he’d make an announcement,” pahayag ni Ellerbe.

Matatandaan din na naglabas si Pacquiao ng video na hinahamon niya muli ang 42-anyos na American undefeated fighter kasama ang Chinese billionaire na si Jack Ma. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy