Una sa Balita

Pacquiao sasabak pa sa ring wala akong sakit sa puso!

By
0 1,128

PINAGTAWANAN at binalewala lang ni newly-crowned World Boxing Association welterweight champion Emmnuel ‘Manny’ Pacquiao ang kumakalat na balitang may sakit siya bago pa lumaban noong Hulyo 15 sa inagawan ng titulong si Lucas Martin Matthysse ng Argentina sa Kuala Lumpur.

Pero inamin ng magku-40 na sa darating na Disyembre na fighting senator na sumailalim siya sa routine medical at physical check, requirement aniya para sa lahat ng boksi­ngero bago tumuntong sa i­babaw ng ring.

“I feel fine. I feel great. I thank God for giving me strength e­veryday and keeping me protected through all the years of my life. Winning by knockout over Matthysse was a bonus,” litanya ni Pacman, na sa 23 taong paglaban ay nakakopo ng walong world pro title na siya pa lang ang na­kagawa sa daigdig.

Kaya pinarating ni Pacquiao kahapon sa kanyang mga fan, kaibigan at pamilya na walang dapat ikabahala dahil maayos aniya ang kanyang kondisyon bago at maski pagkaraan ng katatapos na pakikipagbanatan sa Argentinian na nagwakas sa 7th round technical knockout.

Iyon ang 39th KO sa 60 wins ng kanyang makulay na career. Pero unang KO matapos ang siyam na taon.

“I really wanted to win this fight and I challenged myself so much in training that I pushed myself to the maximum limits of my body,” pag-amin ni Pacquiao. “I always knew that trai­ning hardest makes e­very fight easier.”
Maging ang isang doktor ay nag-isyu rin ng pahayag para sa tunay na kalagayan ng Pinoy ring icon, na tulad ng Pambansang Kamao, klinaro ang mga kumakalat na ulat na may iniinda ngayon si Pacquiao.

Siniwalat naman nina chief trainer Buboy Fernandez at si strength & conditioning coach Justin Fortune na may mga sinuway pa si Pacman sa bahagi ng kanilang training camp na kanilang tinutulan pero ang amo pa rin nila ang nasunod na isa rin marahil susi sa tagumpay at nagpa­sayang labis sa kampo nila. ()