Una sa Balita

Pacquiao sa US na lang sikat

0 334

Laos na sa ‘Pinas:

abante-talbog-joe-barramedaMabuti pa sa ibang bansa, pinagka-kaguluhan pa rin si Manny Pacquiao sa tuwing naroroon ito at lalo kapag may laban na. Dito sa atin, hindi na masyado siyang kasikat gaya noong mga bago-bago pa lang na champion siya sa boxing arena.

Ngayon, manalo man siya o matalo ay hindi na gaanong pinapansin ng mga Pinoy. Imbes na maging proud dahil siya ang isa sa naglalagay sa mapa ng ating bansa ay nakakatanggap pa ng pula o batikos.

Sabagay, ano pa ba ang kailangang patunayan ni Manny sa boxing? Marami ang kanyang tropeo. Hindi rin alam ng marami kung gaanong kadami ang natutulungan ni Manny na mga kapus-palad na-ting mga kababayan.

Kaya laban nang laban ‘yan hindi lamang para sa pamilya kundi sa mga kababayan din natin.

Tayo namang mga Pinoy ay naaalala lamang si Manny kapag may laban at puro pustahan. May mga kababayan din tayo na sobrang inggit kay Manny ay ipinadalangin pa na matalo ito. Kaloka ‘di ba?

Ian Veneracion lilipat na sa GMA?

May nagtatanong sa amin kung totoong li-lipat si Ian Veneracion sa GMA. Wala naman kaming naririnig na ganyan. At sabi pa daw ay papasok sa “The Better Woman.” Sabi ng insider na nakausap ko na imposible daw ‘yun. May offer daw noon pa kay Ian ang GMA pero mas pinili daw ni Ian ‘yung project sa ABS-CBN.

Si Ian ay nagmula sa GMA noong “That’s Entertainment” days ni Kuya Germs. Kaya kung lumipat man ito ay parang bumabalik sa sinimulan niya sa showbiz.

Alden sustentado ang ‘babae’ sa HK

Isa sa mga artistang kinatutuwaan namin sa “Hello, Love, Goodbye” ay si Lovely Abella. Kitang-kita ang pagi-ging totoong tao niya. Hindi niya ikinahihiya ang pagiging Ilonggo niya lalo na sa pagsasalita. Ikinuwento niya ang sobrang kabaitan ni Alden Richards at kung papaano ang pakikitungo niya sa kapwa artista.

Hindi ikinahiya ni Lovely na laging tanggapin ang mga offer ni Alden pagdating sa gastusan sa paglilibot nila sa HK during their free time. Mahal nga naman sa HK at malaking bagay sa kanya ang sagutin ni Alden ang extracurricular activities nila sa Hong Kong.

Kaya naman mara-ming kaibigan itong si Lovely sa “SPS” at “Bubble Gang” na regular sa mga show na ito.

Speaking of “Bubble Gang,” ngayong Biyernes ay sina Dawn Zulueta, Dennis Trillo, Vaness del Moral at iba pa ang mga guest.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy