Una sa Balita

Pacquiao sa GMA humamig ng 49.2 rating

By
0 2,078

Wala pa ring kupas si Manny Pacquiao, ha! At ayon nga sa survey, winner pa rin ang rating ng ­laban niya kay Matthysse.

Pero, ang mas bongga ay hindi hamak na mas marami talagang mga Pinoy ang tumutok sa GMA para mapanood ang laban sa pagitan nina Sen. Manny Pacquiao at Lucas Matthysse – ang ‘Fight of Champions: Pacquiao versus Matthysse’ last Sunday.

Imagine tatlong major network ang nagpalabas nang nasabing boksing, bukod pa ang iba pang platforms sa bansa, pero ayon sa AGB Nielsen Phi­lippines, mas pinili pa rin talaga ng mga manonood ang Kapuso channel na nakakuha ng 49.2 percent overnight people audience share sa NUTAM (National Urban Television Audience Measure).

Pumangalawa lamang ang ABS-CBN na nakakuha naman ng 30.7 percent na people audience share. Naka-jackpot ang GMA sa laban na ito, ha!
Meanwhile mabuti na rin na naikorek na ang tsismis tungkol sa pamimigay raw ni Pacman ng balato. Hindi naman kasi totoo ‘yon, kaya hindi dapat paniwalaan.

Oo nga at tumutulong talaga si Pacquiao sa mga kababayan natin, pero itong tsismis na ito na kesyo bahay at lupa ang ibibigay niya, walang katotohanan talaga.­

Eh, ‘yung sakit niya sa puso, itinanggi na rin niya. Salamat naman.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy