Una sa Balita

Pacquiao pokus kay Broner, Mayweather wala sa radar

By
0 627

HINDI muna iniisip ni eight-division champion Manny ‘Pacman’ Pacquiao ang nilulutong rematch kay Floyd Mayweather, Jr. para makapaghiganti sa 2015 defeat niya rito.

Ang pokus ni Pacquiao, lahat na kay Adrien ‘The Problem’ Broner para sa pagdepensa ng kanyang WBA 147-pound belt sa January 19 (Enero 20 sa Pilipinas) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“I’m not thinking about that, my focus is Adrien Broner. It’s all about that. Maybe we can discuss [Mayweather] after this fight,” pakli ng 40-anyos na si Pacquiao.

Kuwento pa ng Pambansang Kamao, sobrang inspirado at motivated­ siya sa paparating na laban dahil sa kanyang pamilya.

“My motivation is my family, the support of the Filipinos, the support of boxing fans. I want to stay at the top of boxing until there is a Filipino who carries the our flag. Dagdag ni Pacquiao (60-7-2, 39 KOs) dalawang linggo bago ang laban nila ni Adrian Boner.

Nasa Wild Card Gym pa rin ito kasama sina Hall of Fame coach Freddie Roach, head trainer Buboy Fernandez at conditioning coach Justin Fortune. ()

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy