Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pacquiao pinasilip ang nakawan sa LA mansion

0 349

Pinasilip na ni reigning World Boxing Association (WBA) super welterweight champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao ang CCTV footage ng pagnanakaw sa kanilang bahay na walang tao noon sa Los Angeles City, california.

Nangyari ito sa kasagsagan ng pakikipag-upakan ni Sen. Pacquiao kay Adrien Broner ng USA noong Enero 2019 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada. Limang kalalakihang naka-hoodie ang puwersahang pumasok mula sa likuran ng bahay.

Kita sa video mula sa CCTV ang tinangay ng mga kawatan na TV, gitara, hirap buhating safety vault at iba pang kagamitan. Iiwang nakatiwangwang ng mga magnanakaw ang iba pang mga kagamitan ng pamilya Pacquiao. (Aivan Denzel Episcope)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.