Una sa Balita

Pacquiao pinapipili ng trabaho

By
0 3

Hinikayat ng isang senador ang boxing icon na si Sen. Manny Pacquiao na mamili sa dalawang trabaho – ang maging senador o patuloy na sumabak sa professional boxing.

Ito ang naging payo ni Sen. Sherwin Gatchalian kay Pacquiao matapos malasap nito ang pagkatalo kay Jeff Horn ng Australia sa nakaraang WBO middleweight bout nila sa Brisbane, Australia.

Ang pagkatalo ni Pacquiao kay Horn ay ikinakabit ng boxing promoter na si Bob Arum sa pagiging abala ng Pambansang Kamao sa mga trabaho niya sa Senado.

“As a friend, I would advise Sen. Manny to think about itong dalawang mabigat na trabaho. Senate is not an easy task, napakabigat ‘yung pressure dito,” ani Gatchalian.