Una sa Balita

Pacquiao parang alak!

By
0 1,184

UNA sa lahat ay ang taos ang pagbati natin kay idol Manny ‘Pacman’ Pacquiao sa kanyang TKO win kay Argentinian Lucas Matthyse. Parang alak si Sen. Manny na habang tumatagal sa laban ng boksing ay gumagaling pa rin.

Bagama’t hindi na katulad ng dati ang kanyang quickness, agility at speed, pero ang wisdom ni idol sa laban ay nandoon pa rin, ang intimidation factor AY hindi nawawala sa kanya at yung mga gameness ‘ika nga na mga patama na kahit hindi solid o pang-KO ay may bilang pa rin sa judges yan.

Kung mapapansin natin, pati panga ni Pacman ay matibay. Kaya niyang tumanggap ng tama at suntok na wala sa ibang boxer.

Mabuhay ka Sen. Manny at sa panibagong karangalang ibinigay mo sa bansa natin!
***

Sa usapan kung kailan magre-retire ang isang boksingero, manlalaro o atleta, ang mismong taong involved lamang ang makakapagsabi niyan. Hindi puwede ang miron, pamilya o coach.

Bilang isang da­ting manlalaro na naging parte na ng buhay ang sports, napakahirap ang mag-retire o tumalikod sa isang bagay na nakasana­yan na, nagbigay sa iyo ng hanapbuhay, karangalan at nakapagbibigay sa iyo ng adrenaline rush sa competition.

Kaya sa mga makukulit na tagasubaybay ni Pacman, relax lang kasi mukhang may laban pa ulit si IDOL. Sa totoo lang, puwede pa rin ngunit medyo pipili lang si Pacman ng makakalaban.

***
Para kay Ma’am Cecille Salcedo employee and staff ng LTO Alabang Town Center branch, congratulations para sa napakabilis na pagproseso ng aking renewal ng driver’s license na umabot lang ng halos 15 minuto ang antayan. Napaka-efficient, napaka-courteous ng mga kasama ni Ma’am Cecille.

***

Death Anniversary ng aking mother-in-law na si Lourdes Jaca Du.

***

Our deepest condolences to the Centeno Family (Manny, Tetat, Vivian at Trish) at sa Villanueva Fa­mily of Mandy and Baby.