Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pacquiao pambato ng Pinas sa Mobile Legends

0 97

Hindi na lang sa boxing legend ang isang Manny Pacquio. Maging sa online game na Mobile Legends ay kinikilala ang pagiging legendary ni Senator Manny Pacquiao.

Siya ang Mobile Legends: Bang Bang Philippine Ambassador at katulad ng paglalaro ng boxing, strategy rin daw ang kailangan sa larong ito.

Naging madali raw para kay Manny na mag- “yes” agad sa ML dahil matagal na raw siyang aware rito bago pa man sumubok na maglaro dahil sa mga anak, lalo na ni Jimuel na ML player talaga.

Bukod pa sa alam niyang kabilang ito sa naging 2019 SEAGAMES.

Sabi pa ni Manny, “Maganda kasi siyang libangan, laruin. Kasi, laban-laban sila. Mas lalo pang gumanda yung bagong version.”

“Maging responsible lang sa paglalaro. May time sa paglalaro, may time sa sarili, may time sa family. Baka naman wala ng time sa family. Yun din ang advise ko, kailangan na nama-manage nilang mabuti ang kanilang time.”

Hindi naman daw siya istrikto sa mga anak niya sa paglalaro ng mga ito ng sa online tulad ng Mobile Legends.

“Hindi naman ako istrikto sa kanila, pero yun nga, ina-advice ko lang sa kanila na magkaroon sila ng time sa pag-aaral, family at sarili nila. Para naman hindi lang whole day na naglalaro ka at wala ka ng time sa iba.”

May anak si Sen. Manny na tila nagkaka-interes na rin na pasukin ang showbiz, okay lang ba sa kanya ito?

“Okay lang naman sa akin, labag lang naman sa loob ko yung boxing,” pag-amin niya.

In shorts, walang problema kay Manny na sumunod sa pagiging online gamer niya ang mga anak, pero hindi sa kung saan siya mas kilalang legend, sa boxing arena.

***

Alden atat nang magkadyowa

Ang personal na buhay naman daw niya, ang makahanap ng may mag-aalaga naman sa kanya ang isa sa nilu-look forward na talaga ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa pagpasok ng bagong dekada ng career niya.

“Yes, partner. Yun naman ang aasikasuhin ko. May nag-aalaga naman sa akin, of course, pero siyempre, iba yung personal talaga, yun po, yun naman siguro ang magiging priority ko by 2021 aside sa career,” lahad nga niya.

Ngayong taon nga na ito sine-celebrate ni Alden ang 10 successful years niya sa showbiz. Na sabi nga namin sa kanya, yung narating niya ng sampung taon, hindi pa yata nararating ng dalawa o tatlong dekada ng artista sa showbiz.

Sa pamamagitan ng isang virtual concert, ang Alden’s Reality, the country’s first-ever reality on December 8 ang tila culminating event ng kanyang 10th year anniversary.

Almost sold-out na ang concert ng virtual concert ni Alden na ididirek ni Paolo Valenciano.

Hindi raw nainip si Alden na sampung taon na pala siya sa showbiz dahil sobrang nag-enjoy siya.

“Parang looking back, ten years, nagulat na lang din po ako that I’ve reached that long already. Siguro hindi ko naramdaman na 10 years siya.

“Everyday in my life, I’m enjoying. I’m really blessed that I’m here. I’m happy with all the things that happened in the past 10 years. Kasi, nabuo po niya ako bilang tao and at the same time, nabuo niya po ako bilang artist in the form of acting, singing, hosting, dancing and other more crafts that’s there.”

At bukod dito, hindi rin mahirap sa kanya ang ginagawa niya dahil never naman daw siyang nag-pretend.

“Siguro kaya hindi rin po ako nahirapan, what you see is what you get. I’m not pretending to be someone I’m not. I’m here to learn and inspire people and of course, the unconditional love I got from people, that’s my 10 years is all about.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.