Una sa Balita

Pacquiao pagbabayarin ng malaking tax ang mga manginginom

By
0 699

Itinulak ni Senador Manny Pacquiao na itaas ang buwis sa alcoholic beve­rages, ilang araw matapos isulong ang dagdag buwis sa sigarilyo.

Sa panukala ni Pacquiao, nais nitong itaas sa P40 per liter ang excise tax sa beer at fermented liquor. Mas mataas ito sa P28 na panukala sa Kamara.

Itataas din sa panukala ang tax sa distilled spirits sa P40 per proof liter mula sa P23.40; sparkling wines at champagnes, P335 mula sa P316.34; habang P40 mula sa P37.96 kada botelya naman sa still and carbonated wines na 14 porsiyento o mas mababa ang alcohol at P80 kada botelya mula sa P75.93 sa 14 hanggang 25 percent alcohol.

Sa pagdinig ng senate committee on ways and means, sinabi ni Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua na ang panukala ni Pacquiao ay magreresulta sa P6.40 excise tax bawat bote sa Ginebra San Miguel, P9.16 per bottle naman sa Emperador, P5.39 per bottle sa San Miguel Light at P5.41 per bottle sa San Miguel Pale Pilsen.

Ipinagtanggol naman ni Pacquiao ang kanyang panukala. Aniya, umabot na sa 200 health conditions at hindi mabilang na kaso ng sexual, drug abuse, suicide at accidents ang naitalang dulot ng alcohol intoxication ng World Health Organization (WHO).

“Alcohol intoxication is dangerous to our health and bad for our society… By increasing the tax, this can discourage the youth, the poor and the margina­lized to be exposed to alcoholic beve­rages at an early age,” sabi ni Pacquiao.

Inaasahang tatamaan nito ang negosyo ni Andrew Tan, may-ari ng Emperador Distillers Inc., Asia Brewery ni Lucio Tan at San Miguel Corporation.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy