Una sa Balita

Pacquiao niloko ng dating kasamahan

0 1,835

Walang katotoha­nan ang tsika na may falling out sa pagitan ng MP Promotions ni Manny Pacquiao at TOP Rank ni Bob Arum na la­ging promoter sa mga laban ng Pambansang Kamao.

Ayon kay Bob Arum ay involved pa rin ang TOP Rank sa nakaraang fight ni Pacman sa Malaysia dahil sila ang namahala ng distribution ng mga airin­g ng laban sa Amerika at Puerto Rico, kaya constant ang communication nilang dalawa.

Sa katunayan ay may pinag-uusapan silang next fight ni Manny na ang makakalaban ng Pambansang Kamao ay alaga ng Top Rank na malamang sa Amerika muli ito gagawin.

Marami nga na from the boxing industry ang humanga sa adhikain ni Sen Manny. Bago pala nagdesisyon na sumabak muli sa fight sa Malaysia ay pinag-isipan niyang mabuti.

Sa pamamagitan ng laban niya sa Malaysia ay muli niyang binuhay ang boksing dito sa Asya. Kaya pala niya rito ginawa ang laban ay para mabigyan ng pag-asa ang mga taga-Asya na nangangarap na maging isang Manny Pacquiao.

‘Yun daw ang misyon ni Manny na mailagay sa mapa ng boksing ang Asya. Kaya saludo sa kanya si Dela Hoya na isa sa mga sinasaluduhan noon sa boksing na natalo rin ni Manny noon sa Las Vegas, Nevada.

Naawa lang kami kay Manny na through the years ay may mga tao pa rin na nanloloko sa kanya pero nahuhuli naman niya. Kaya kamakailan lamang ay naglabas siya ng isang announcement na to deal with him perso­nally. Talbog!

Mike Tan tutok sa misis na buntis

Malaki ang nagawa ng ‘Hindi Ko Kayang Iwan Ka’, isang panghapong teleserye ng GMA na malapit na ring mamaalam. Sa itinagal ng teleserye ay naging parang isang pamilya ang cast at production staff. 

Maski sa mga araw na wala silang taping ay madalas daw silang nagba-bonding kasama ang director. Kaya mami-miss daw niya ang mga kasamahan niya rito.

Ipagpapatuloy nga ni Yasmien ang pag-aaral niya sa Arellano University sa may Legarda. Masayang sinalubong daw siya ng mga kaklase sa nasabing university. Hindi na nursing ang kinuha niya since full time ang kakailanganing oras ang uubusin niya sa araw-araw.

Samantala si Mike Tan naman ay abala sa pag-aalaga sa misis na buntis na ngayon. Hindi pa nila alam ang magiging gender ng anak although wish niya na sana babae ang kinalabasan. Maalaga at sweet daw sa magulang ang babae.

Jeric Gonzales naaksidente sa taping

Nakakaawa naman si Jeric Gonzales na imbes magdiwang ng kanyang kaarawan sa restoran o bar ay sa bahay lang ito dahil namamaga ang isang braso at kamay niya. Ito ay sanhi ng aksidenteng naranasan niya sa set ng ‘Ika-5 Utos’.

Sa isang eksena ay bu­magsak siya sa isang lugay na puno ng bubog. Kaya nasugatan ang braso at kamay niya at kinailangang itakbo sa ospital kung saan ilang tahi or stitches ang ginawa sa kanya.

Kaya malungkot siya na imbes mag-enjoy sa birthday niya ay naburo siya sa bahay. Sinorpresa naman siya sa set ng Ika-5 Utos.

Starlet maldita pa rin

Hindi pa rin nagbabago ang pagka-maldita o primadona ng starlet na ito. Sa isang event daw ay ayaw sumabay sa pagrampa sa dati niyang kinababaliwan na after mag-break ay wish pa rin makipagbalikan na tinanggihan ng ex.

Napailing na lang daw ang event organizer sa inasal ng starlet. Masuwerte siya at hindi mapagpatol ang aktor. Sabagay what else is new?

May common friend kami na ikinukuwento ng ina ng starlet na anak daw niya ang dahilan kung bakit sumikat ang dating ka-loveteam. Hello nasaan ba ang anak niya ngayon? Naku gumising ka, Maruja! Talbog.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More