Una sa Balita

Pacquiao naudlot ang pagbalik sa Pilipinas

0 845

abante-anything-goes-jun-lalinHindi natuloy umalis ng Los Angeles, California noong Monday evening ang ating Pambansang Kamao na si Senator Manny Pacquiao, kaya wala pa siya today sa Philippines. Ang iniisip ng iba ay ang nakawan sa kanyang bahay sa Hancock Park sa Los Angeles, California ang dahilan kaya hindi muna umuwi ng Philippines si Manny.

Sabi ng isang malapit kay Manny na tinanong ko, uuwi rin daw kaagad ng Pilipinas ang boxer/politician.

Raymond nagkasakit sa Las Vegas

Alam mo, Dondon, naawa naman ako kay Raymond Gutierrez dahil noong Sunday ay not feeling well na siya, kaya nagpatawag siya ng doctor sa kanyang hotel room sa Las Vegas, Nevada. May problema kasi ang isang ipin ni Raymond.

Ang problema, noong Monday na birthday niya mismo, lalo raw sumakit ‘yon at sobrang maga, kaya nilagnat din siya. Gusto man niyang ipabunot ‘yon ay hindi puwede dahil maga nga, kaya ‘yung birthday plans niya for that day ay hindi natuloy.

Nang i-check ko si Raymond ay nasa hotel room lang siya at nagpapahinga. Hopefully, wala na ang pamamaga ng kanyang ipin at makabalik na siya today ng LA.

Anyway, sana by Friday ay okey na okey na ang ipin ni Raymond dahil darating ng LA. ang ate niyang si Ruffa Gutierrez. Sabi ni Ruffa, she’s travelling alone.

Wala raw siyang kasama sa nalalapit niyang bakasyon.

Sa Saturday ay may boxing birthday event si Raymond with some friends, at puwedeng-puwedeng mag-join doon si Ruffa. Si Raymond naman, for sure, hindi makakapag-boxing at panonoorin na lang muna ang kanyang mga kaibigan.

Si Ruffa nga pala, pupunta rin ng Cabo, Mexico with some friends, kaya excited na rin sa kanyang bakasyon.

Pelikula ni Martin R-18, R-16 ang rating

More than 150 theaters pala nationwide ang pagpapalabasan starting today ng “Born Beautiful” ni Martin del Rosario. Confirmed din according to Direk Perci Intalan na may R-16 at R-18 classifications ang pelikula.

‘Yung R-16 daw ay mapapanood sa SM Theater at baka may ibang mga sinehan din daw na maglabas ng version na ‘yon at lahat na raw ay R-18 na. Ang kaibahan daw ng dalawa ay may bleep-bleep ang ibang dialogues ng R-16.

“Mabuti na lang comedy ang movie namin, kaya okey pa rin ang dating ng mga dialogue na na-bleep,” sabi pa ni Direk Perci.

Ang “Born Beautiful” ang first Pinoy movie ngayong 2019 na inaasahang kikita sa takilya.

Sad kasi na ang mga unang Pinoy movie na nagbukas ngayong taon na ito ay “sumadsad” ang mga box office gross.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy