Una sa Balita

Pacquiao namigay ng puhunan sa mga OFW

By
0 2,333

Nabigyan ng panibagong pag-asa ang buhay ng siyam na overseas Filipino workers (OFWs) na tinanggal sa trabaho sa Saudi Arabia nang walang sapat na dahilan.

Ito’y matapos na bigyan sila ni Senador Manny Pacquiao ng tig-P50,000 upang magamit na puhunan sa maliit na negosyo.

Ang siyam na OFWs ay kinilalang sina Sumaya Macaoyag, 41; Novena Vadil, 43; Jocelyn Javier, 32; Gilbert Bongato, 53; Renen Casas, 38; Roynald Mesde, 33; Marlon Sarmiento, 39; Ronnie Malones, 35 at Darwin Franco, 37.

Matapos na dumating sa NAIA noong nakaraang Biyernes, agad na pinapunta sila sa Araneta­ Center kung saan nandoon si Pacquiao para sa launching ceremony ng isang basketball league.

Kasunod nito ay nakasama nila ang Pambansang Kamao sa dinner at isa-isang binigyan ng P50,000 upang magamit na puhunan sa malii­t na negosyo.

“With that amount, they can start a small business. Konting tulong pero malayo ang marara­ting kung ma-manage nang maayos ‘yong pera,” ani Pacquiao Laking pasasalamat naman ni Macaoyag, resi­dente ng Esperanza sa Sultan Kudarat, kay Pacquiao dahil sa pagiging matulungin nito.

Ang siyam na OFWs ay sinibak umano sa trabaho nang walang sapat na dahilan at hindi binayaran ang suweldo. Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) pa ang gumastos sa plane ticket para sa kanilang pag-uwi sa bansa.