Una sa Balita

Pacquiao namigay ng pera sa Bacolod

0 296

MULING namudmod ng pera si Sen. Manny Pacquiao matapos pumasyal sa Bacolod upang manood ng laro sa pagitan ng Bacolod Master Sardines kontra Soccsksargen sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa University of St. La Salle-Bacolod.

Nananghalian ang senator at misis sa 18th Pala-Pala at 18th Street nang lapitan ito at dumugin ng higit 200 Bacoleno, ayon sa ulat.

Nang malaman ng fighting senator na karamihan sa mga ito ay biktima ng sunog kamakailan sa dalawang barangay sa lugar ay inabutan niya ang mga ito ng tulong.

Sa report ay tig-isang libong piso kada isa ang binigay ng boxing champ.

Labis naman ang tuwa ng mga residente at pinasalamatan ang senador sa pagbibigay-tulong sa kanila at pag-share ng natatanggap nitong biyaya.

Taong 2017 nang itatag ni Pacquiao ang MPBL at nais nitong mapanood ang unang home game ng Bacolod Master Sardines kung saan plano din umanong bumalik ng senador sa nasabing lugar para manood uli ng second home game. (Aivan U. Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy