Una sa Balita

Pacquiao nagpa-survey sa sunod na kasuntukan

0 441

NAGPA-survey sa social media si World Boxin­g Association (WBA) welterweight champion Manny Pacquiao at tinanong ang milyon-milyon niyang fans kung sino ang dapat niyang sunod na makaharap sa ibabaw ng lona.

“Who should I fight next?” tanong ng 40-anyos na eight-division champion sa Twitter na mayroon nang 27,380 votes makalipas lamang ang limang oras.

Nasa listahan ng mga pahgpipilian sina Floyd Mayweather, Jr., Keith Thurman, Danny Garcia at Shawn Porter.

Habang isinusula ang balitang ito, nakakuha na ng 74% na boto si Mayweather, 12% kay Thurman, 9% kay Garcia at 5% kay Porter.

Mayroong 2.51 million followers sa Twitter si Pacquiao at 11.76 million naman sa kanyang Facebook account.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More