Una sa Balita

Pacquiao may September 1 Quezon City free concert

0 342

AAWITAN ni World Boxing­ Association welterweight champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao ang sambayanan sa paglunsad ng una niyang concert sa Setyembre 1 sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Nakapaglabas na ng ilang awitin ang pambansang kamao noong 2006, 2007, 2011 at 2013 na pumatok sa Pinoy fans kaya tinuturing niya itong big comeback sa mundo ng musika.

“This is a wonderful opportunity to share with my fans my passion for music. That’s the problem – I love music but music doesn’t love me. But I keep on going,” saad ni Pacquiao, sa press conference sa Makati Shangri-La Biyernes ng gabi.

Ang konsyerto ay libre para sa lahat. Pero sa ngayon ay wala pang  konkretong detalye kung paano makakakuha ng tickets .

Mapapanuod din sa ibang parte ng Asya ang concert tampok ang ilang Asian stars na ‘di pa lang din mga pinapangalanan sa ngayon habang 8-10 awitin ang nakatakdang kantahin ng solo o duet ng 8-division world professional boxing champion. (Myris Lee)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy