Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pacquiao may asim pa

0 27

HINDI dapat makampante si welterweight champ Errol Spence Jr. sa banggaan nila ni Manny Pacquiao sa Agosto.

Ayon kay WBC bantamweight ruler Nonito Donaire Jr, walang epekto ang edad ni Pacquiao sa magiging performance nito sa boxing.

Giit ni ‘Filipino Flash’, ang eight division titlist ay isa sa mga boksingerong laging delikadong makaharap ng kahit sino sa loob ng ring.

SM food to go Banner Ad

“I believe with the proper training, proper mentality going into the ring. Pacquiao is one of those guys who’s always gonna be dangerous,” saad ni Donaire sa ‘The Game’.

Huling lumaban ang ‘Pambansang Kamao’ noong 2019 kontra Keith Thurman, kung saan nasungkit niya ang WBA super welterweight belt via split decision.

Susubukan niyang patumbahin si Spence, ang kampeon sa IBF at WBC, at walang talo sa 27 laban. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.