Una sa Balita

Pacquiao lalaban uli

By
0 112

Siyempre, lalaban muli si Manny Pacquiao.

Pero sa dalawang dahilan.

Una, sa tamang bayad.

Ikalawa, kung kiliti ng katawan ang nangadyot.

Hindi maitatatwa na halos nasa bilyones ang kinikita ni Pacquiao sa tuwing ito’y lalaban.

Kaya naman bilyones ding buwis ang sinisingil sa kanya ng BIR (Kawanihan ng Rentas Internas).

Maski bilyonaryo na si Pacquiao, may kamandag pa rin sa kanya ang halimuyak ng karagdagang gabundok na salapi.

Ang tao’y taal na walang kabusugan.  Kung may lab-pa-more, meron ding pera-pa-more.

Nang sabihin ni Bob Arum, promoter ni Pacquiao, na may laban si Pacquiao sa Oktubre, siyempre itatatwa ito ni PacMan. Hindi siya kasi nasabihan.

Pero sa boksing, ordinaryo ang ganyan.

Matagal nang laro ni Arum iyan at sino ba naman ang kukuwestiyon sa bertud ni Arum pagdating sa boksing?

Retirado na si Pacquiao at inulit niyang tutok na siya sa trabahong Senado.  Pero dahil Oktubre-Nobyembre ang itinakdang laban ni Arum, merong Agosto-Setyembre si Pacquiao para magtreyning.

At kapag omoo si Pacquiao sa hamon ni Arum, siguradong siya’y balik-tikas bukod sa kikita siya muli.

Pinatunayan niya iyan noong huli niyang laban at kanyang talunin si Tim Bradley.

Sinumang kumontra sakaling lalaban uli si Pacquiao ay siguradong uulanin ng batikos.

Siyempre sa oo ni Pacquiao, sulak ng dugong boksingero’y muling nanaig.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy