Una sa Balita

Pacquiao ‘kinulong’ sa Dasma

0 818

Inatasan ng barangay chairman ng Dasmariñas Village si Senador Manny Pacquiao at ang kanyang pamilya na sumailalim sa home quarantine dahil sa exposure ng senador sa taong nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa liham ni barangay chairperson Rossana Hwang may petsang Marso 27, si Pacquiao ay itinuturing na person under monitoring (PUM) matapos maging viral ang larawan na katabi nito sa party si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na unang nagpositibo sa coronavirus.

“Many of your colleagues in Senate have been identified to be COVID positive. Therefore you have to be quarantined at your own house,”giit ni Hwang.

Ayon pa kay Hwang, ito ang rekomendasyon ng mga doktor mula sa Makati Medical Center na residente rin ng village. Ito rin aniya ang rekomendasyon ng Makati Health Department.

“Please be a model example,” dagdag pa ng kapitana.

Nakahanda namang sumunod si Pacquiao sa utos ng barangay chair at nanindigan na nag-home quarantine na siya nang matapos ang special session ng Senado noong Marso 24.

Nabatid pa sa special assistant ni Pacquiao na ang viral photo kung saan magkatabi sina Pacquiao at Pimentel sa party ay naganap noong Marso 4,2020.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More