Una sa Balita

Pacquiao itinanggi na mamimigay ng mga bahay at lupa

By
0 3,667

Matapos talunin ni Manny ‘Pacman’ Pacquiao si Luis Martin Matthysse, agad kumalat sa social media na diumano ay plano niyang mamigay ng mga bahay at lupa bilang balato sa mga susuwertehin na tagahanga niya.

At kahapon nga ay agad na nagbigay ng statement si Pacman tungkol sa tsismis na ito.

Heto ang statement ni Sen. Pacquiao:

“Nakarating sa aking kaalaman na may mga kumakalat na balita sa social media na ako ay mamimigay ng mga premyo bilang balato dahil sa aking pagkakapanalo. Nais ko pong ipaalam sa lahat na walang katotohanan ang mga ito. Fake news po ang contest na ito kaya’t huwag po kayong maniniwala at magpapaloko sa maling balita. Salamat po.”

Well…