Una sa Balita

Pacquiao, inalala ang kabaitan ni Ali sa kanya!

By
0 6

Nakiramay ang mga local celebrities natin sa pagpanaw ng kinikilalang “the world’s greatest boxer of all time” na si Muhammad Ali. Pumanaw ang sikat na boksingero sa edad na 74 noong nakaraang June 3 dahil sa sakit nitong Parkinson’s Disease.

Kabilang sina Regine Velasquez-Alcasid, Rodjun and Rayver Cruz, Marc Nelson, Jerald Napoles at Max Collins sa ilang local celebrities na nagpaabot ng kanilang pakikiramay via social media sa pagpanaw si Muhammad Ali.

Pinakanalungkot sa lahat ay si Pambansang Kamao at newly-elected senator na si Manny Pacquiao dahil idolo niya sa kanyang sport si Ali. Inalala nga ni Manny na binisita siya minsan ni Ali sa kanyang isang training noong malapit na ang laban niya kay Floyd Mayweather. Maganda ang mga sinabi ni Ali sa kanya at hindi ito malilimutan ni Pacman.

Pinanganak bilang Cassius Clay at pinalitan niya ang kanyang name noong mag-convert siya to Islam. Hindi malilimutan ng maraming Pinoy si Ali lalo na noong dito sa Pilipinas ginanap ang pinakamalaking laban niya in October 1975 to Joe Frazier billed as Thrilla In Manila sa Araneta Coliseum.