Una sa Balita

Pacquiao-Horn fight: Experience vs Youth

By
0 199

Mag-uusap na umano ang kampo ni Top Rank promoter Bob Arum, na siyang kinatawan ni eight-division world champion Manny Pacquiao at ang Duco Events promotions, na siyang promoter naman ni undefeated welterweight Jeff Horn, na siyang makakasagupa ng Pambansang Kamao.

Sa hometown ni Horn sa Brisbane, ­Australia possible umanong gawin ang laban. Katunayan, naka-reserved na raw ang Suncopr Stadium sa petsang Abril 23 para sa laban.

Hindi kilala si Horn, may record na ­16-0-1, dahil ang ­tanging ­kilalang tinalo nito kaya naging kampeon ay si South African Ali Funeka, via 6th round stoppage noong nakaraang buwan.

Gayunpaman, naniniwala si Horn, ito na ang tamang pagkakataon para labanan niya si Pacquiao, sa kabila ng kanyang kredensiyal bilang bok­singero.

Experience vs. youth ang pagkukumpara ni Horn sa pakikipagsagupa kay Pacquiao.

Ang 28-anyos na da­ting school teacher, ay may 9-cm height advantage kay Pacquiao.

“Is it the right time? You could say that at any point,” lahad ni Horn. “I’ve got the youth on my side and Pacquiao’s 38 now,” aniya pa sa panayam na lumabas sa boxingscene.com.

“He’s got the experience but I have got the youth on my side and that will get me the win. I think over his last couple of fights, I’ve seen him go down a little bit. He’s still got very, very good movement, very good skill. But I think he has dropped just slightly, which is a lot at that level.”

Maging ang trainer niyang si Glenn Rushton ay nakikitang ‘win-win’ ang sagupaan para sa kanyang alaga.

“If he loses, it’s just business as usual for Manny Pacquiao. But I don’t believe he will lose — Jeff is like a younger, stronger Pacquiao,” kumpiyansang wika ng trainer.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy