Una sa Balita

Pacquiao hinamon si Mayweather

By
0 1,734

“LET’S do a second one.” Ito ang hamon ni newly-crowned WBA welterweight ruler Manny ‘The Pacman’ Pacquiao kay undefeated American boxer Floyd Mayweather, Jr. kasunod ng kanyang 7th round TKO win kontra Lucas Matthysse Linggo ng tanghali sa Kuala Lumpur.

Taong 2015 nang talunin ni ‘Pretty Boy’ Floyd si Pacquiao via unanimous decision.

Malapit nang tumuntong ng edad 40 ang Pinoy legend ngunit hindi pagre­retiro ang nasa isipan ng fighting senator kundi ang susunod nitong kakalabanin. 

“Mayweather? If he decides to go back to boxing then that is the time we are going to call the shots. I have the belt, so it’s up to him. If he wants to come back in boxing, let’s do a second one,” diin ni ­Pacquiao.