Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pacquiao: Go-Digong tandem palabas lang

0 463

Naniniwala ang kampo ni Senador Manny Pacquiao na isang “decoy candidacy” pabor kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 election.

“We will repeat our earlier statement that the grassroots members of the party believe that the Go-Duterte tandem is merely a smoke screen/distraction for their real candidate Davao City Mayor Sara Duterte,” ayon kay Ron Munsayac, executive director at chairman ng public information committee of Pacquiao-led PDP-Laban wing.

“It’s very impossible that the right hand of the president will go against his boss’ daughter. This tandem is merely a distraction to shield their ‘real’ candidate from political attacks and to weaken the PDP Laban with this decoy candidacy,” dagdag nito.

Ginawa ni Munsayac ang pahayag matapos kumpirmahin ni Presidential spokesperson Harry Roque sa mga reporter na hindi tatakbo sa pagka-bise presidente ang pangulo kung itutuloy ng kanyang anak ang kanyang presidential bid.

Nauna rito ay ibinunyag ni Nograles na gusto ng pangulo na tumakbo sa pagka-bise presidente sa susunod na taon. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.