Una sa Balita

Pacquiao ensayo na vs Matthysse

By
0 2,381

BALIK na sa light workout si former World Boxing Organization welterweight king Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao bilang pagha­handa sa June 24 fight niya kontra Argentinean World Boxing Association 147-pound champion Lucas ­Matthysse sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Aminado si Pacquiao na hindi basta-bastang kalaban ang 35-taong gulang na si Matthysse at matagal na ang kanyang huling laban kaya nararapat lamang umanong nasa kondisyon siya sa araw ng kanilang salpukan.

“I started early because my last fight was in July last year. My opponent is a ­reigning WBA champion so I must be in tip-top shape when I climb up the ring,” litanya ng 39-anyos na senador, na naagawan ng WBO welterweight belt ni Australian Jeff Horn sa kanilang July 2017 bout sa Brisbane.

“I started doing just a light workout to boost my stamina, speed and power. Training at the boxing gym will begin in the middle of April,” hirit niya.

Ayon sa kampo ni Pacquiao, hindi na si longtime American trainer Freddie Roach ang mag-eensayo rito kundi ang kaibigang trainer na si Buboy ­Fernandez.

Ipo-promote na rin ng Manny Pacquiao Promotions at ng Golden Boy Promotions ang Malaysia bout kahit hinaharang pa ito ni Top Rank CEO Bob Arum dahil nakakontrata pa umano sa kanilang promotional outfit ang Pinoy world eight-division pro boxing champion. (Ferdz delos Santos)