Una sa Balita

Pacquiao Dinurog!

0 888

BUGBOG ang inabot ni Pambansang Kamao at Senador Manny Pacquiao sa naging payo nito sa publiko na pahalagahan ang bawat oras ng kanilang buhay.

Bunsod ito ng tweet ni Pacquiao nitong Sabado nang gabi na “Prioritize what is important each day of your life. You have time for what you chose to have time for. #valuetime.”

Agad naman itong binira ng mga netizen, karamihan ay nagsasabing hindi bagay kay Pacquiao na magbigay ng ganitong payo dahil lagi naman itong absent sa Senado.

“Kaya pala lagi kang absent,” tweet ni Nk.@dailygasms
“Pumapasok ka ba sa Senado? Pinagsasabe mo???” banat ng isang Signum Tala.
“Sir, ano po mas priority niyo? Pagbo­boksing o magtrabaho sa senado? Isa lang po ang pipiliin niyo po ha. Di po pwedeng may sidline na career ha. Thanks po.” medyo malumanay na pakiusap ni Mark Cruz.

“Yeah?? Just please prioritize your Legis­lative Duties!!!” payo naman ng isang netizen.

Hirit naman ng ibang netizen, dapat ay magbitiw na sa Senado si Pacquiao dahil walang nakukuhang pakinabang ang taumbayan sa kanya.

“The Filipino people deserve a better leader. Do what’s right and step down,” hirit naman ni Mac@macintosh_06.

“Senator Manny, do you have time for the Senate? If not please vacate it for someone who can do something with it! Don’t waste the Senate’s precious time.” diin ni Nordin Pumbaya.

Sa third regular session ng 17th Congress, si Pacquiao ang tinuring na top absentee.

Sa 61 plenary session mula Hulyo 23, 2018 hanggang Hunyo 4, 2019, si Pacquiao ay pumasok lang ng 49 beses o absent ng 12 araw.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy