Una sa Balita

Pacquiao dinungisan ang rekord ni Thurman via SD win

0 355

walang kupas!

Sa edad na 40-an-yos, wala pa ring kupas si Emma-nuel ‘Manny’ Pacquiao.

Dinungisan ng Pambansang Kamao ang dating unbeaten record ni Keith Fitzgerald Thurman, Jr., 29-1 win loss record sa pagsungkit ng split decision, 114-113 kay Thurman, 115-113 at 115-112 para kay Pacquiao, sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Linggo nang hapon sa ‘Pinas (Sabado nang gabi sa Tate).

Ilang mga bigating boksingero ang nasa sidelines para manood ng upakan tulad nina International Boxing Federation welterweight champ Errol Spence Jr, maging ang mahigpit na karibal ni Pacquiao na si Floyd Mayweather, Jr.
Sa first round pa lang ay pinadama na ng eight-time world division champion na ‘di pa rin kumukupas ang lakas ng kanyang mga kamao.

30 segundo sa opening salvo, biglang rumatrat si PacMan, kumonekta ang isang right hook diretso sa panga ni Thurman.

Bagsak sa lona si Thurman, at bagama’t nakabangon ay naging momentum shift na para sa Pinoy ring icon, pinamalas ang angking bilis sa mga sumunod na round.

Pagdating ng fifth round, inaalagaan na ng corner ni Thurman ang pagdurugo ng ilong ng alaga.

Sa seventh, nakaramdam ng panga-ngailangang makabawi ni Thurman para maitakas ang panalo, nakatama ng upak sa ulo ni Pacquiao.

Sa 10th round, napuruhan ng f­ighting senator si Thurman tapos pakawalan ang left hook sa kargada ng Kano, kitang napangingiwi ang Kano na ini-rereklamo na mula umano sa head butt. Pero ‘di kinatigan ng referee.

Mas maraming napatama si Thurman, 210 kontra sa 195 lang ni Pacquiao, ngunit ilang mga naging difference ang knockdown score at pulidong 10th round performance ni PacMan. (Ray Mark P­atriarca)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy