Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pacquiao ‘di na aakyat sa lona

0 481

BINASTED na ni eight-division world boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao ang mga nagnanais na makalaban siya ngayong taon.

Hangga’t namemerwisyo ang COVID-19 at patuloy na naghihirap ang mga Pilipino dulot ng pandemya, hindi muna sasalang sa lona para makipag-upakan ang reigning World Boxing Association (WBA) super welterweight king.

SM food to go Banner Ad

Kinurpirma ito kahapon ni chief trainer Buboy Fernandez at maging siya ay hindi sang-ayon na lumaban pa ang Pambansang Kamao sa taong ito.

“Hindi namin gusto na magkaroon ng engrandeng selebrasyon sa oras na manalo si Sen. Manny habang ang mga Pilipino ay apektado ng krisis,” saad niya.

Nakatutok ang Pinoy ring icon sa pagtulong sa gobyerno at sa mga mamamayan na makaiwas at masugpo ang COVID-19 na umakyat na sa mahigit 100,000 ang kaso sa ‘Pinas. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.