Una sa Balita

Pacquiao, chair ng 2 komite

By
0 1

Kung sisiw kay boxin­g icon at Sen. Manny Pacquiao ang pumasok sa sesyon ng Senado, kayanin naman kaya niya ang pamumuno sa dalawang komite at pagiging miyem­bro ng walong komite?

Kung si Senate Majo­rity Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III ang tatanungin, naniniwala siyang kakayanin ni Pacquiao na pamunuan ang dalawang komite sa Senado. “Oo madali lang ‘yan,” komento ni Sotto.

Si Pacquiao ay nahirang na chairman ng se­nate committee on public works at vice-chair ng urban planning, housing and resettlement. Sa susunod na linggo, sinabi ni Sotto na ibibigay din kay Pacquiao ang chairmanship ng senate on sports.

Nahirang din si Pacquiao na maging mi­yembro ng committee on education; tourism; public services; agriculture and food; national defense and security; finance; energy at blue ribbon committee.