Una sa Balita

Pacquiao, Broner fight sa Enero

By
0 674

Pormal nang inanunsiyo ni eight-division at kasalukuyang WBA welterweight ru­ler Manny ‘Pacman’ Pacquiao ang nakatakda niyang pagdepensa ng korona kontra American Adrien Boner sa Enero 20 malamang sa Las Vegas.

“It’s almost final na. It will take place January­ 12 or 19, but I want it to take place on 12 kasi back to work na ko ng 19,” sabi ni Pacquiao sa press confe­rence Miyerkoles nang gabi sa Makati-Shangrila.

Paliwanag ng Pambansang Kamao, tuloy pa rin ang usapang rematch nila ni undefeated four-division champion Floyd Mayweather, Jr. pero pagkatapos ng laban kay Broner.

“Floyd is going to fight on December 31 and I’m going to fight January 12. After that, we’ll know,” patuloy ng magka-kwarenta-anyos nang boksinge­ro at senador ng Pilipinas.

“Basta laban lang tayo. He’s coming back, we’ll discuss it after Broner.” 

Ayon kay Manny, pipilitin niyang pabagsakin si Broner bago matapos ang ikapitong round. “If I can finish it earlier than 7 rounds, why not?”

Itinalaga si Pacquiao bilang bagong ambassador ng Japan-based International Sports Promotion Society (ISPS) Handa sa naturang press conference nitong Miyerkoles.