Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pacquiao bet ni Ramon Ang sa 2022

0 129

Tinuldukan na ni San Miguel Corporation (SMC) president at chief opera­ting officer (CEO) Ramon S. Ang ang mga alok na tumakbo siya sa presidential election sa 2022 matapos niyang ipahayag na si Sen. Manny Pacquiao ang kanyang susuportahan at nais niyang maging susunod na pangulo ng bansa.

Ayon kay Ang, wala siyang interes na manirahan sa Malacañang at pamunuan ang bansa dahil nakatutok ang kanyang atensyon sa negosyo at mga gawain sa kawanggawa.

Hindi aniya siya papasok sa politika pero susuportahan niya ang kandidatura ni Pacquiao na nauna nang umamin na gusto niyang maging presidente ng Pilipinas.

Kumbinsido si Ang na kaya ni Pacquiao na maging lider ng bansa at kailangan lang ng boxing champ na magkaroon ng vice president na magaling sa negos­yo at pagpapalago ng ekonomiya.

Tinukoy niya si Albay Rep. Joey Salceda na isa rin aniyang economic man.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Pacquiao-Salceda will work,” ani Ang.

Samantala, nagpasala­mat naman si Pacquiao sa tiwala sa kanya ni Ang na itinuturing sa sektor ng pagnenegosyo at politika na matibay na pader at magiging matatag na kakampi ng tinawag na Pambansang Kamao.

“I would like to thank Mr. Ramon Ang of San Miguel Corporation for his trust and confidence in me. I am honored and equally humbled. Someday soon, I hope we can sit down and discuss how to make our country a better and safer place for every Filipino,” ani Pacquiao sa isang pahayag.

Dahil dito, umaasa si Ang na mahihinto na ang mga grupo na kumukumbinsi sa kanya na tumakbo.

“It’s not worth it,” ayon kay Ang bilang kumpirmasyon sa sinabi ni Senate President Tito Sotto na tinangihan nito ang alok ng Nationalist People’s Coalition (NPC) na maging kandidato nila sa presidential race sa Mayo 9, 2022.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.