Una sa Balita

Pacquiao, Arum ano ba talaga kuya?

By
0 3,160

Walang alitan sina Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao at Top Rank CEO Bob Arum ng Estados Unidos.

Katunayan, imbitado ng eight division world boxing champion ang boxing promoter sa July 8 outing niya laban kay World Boxing Association welterweight titlist Lucas Matthysse ng Argentina sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“[Arum] is invited and there’s no problem. I think after my fight with Matthysse, we will talk regarding the possible Pacquiao-[Vasiliy] Lomachenko fight in the future,” pahayag ni Pacquiao.

Abante Hiring – IT dep

“That is a good fight because he is a champion and I’ll be challenged to become a champion again. At the same time, I don’t want the people to say that’s just a tune-up fight,” pagwawakas ng mambabatas na boksingero.

Nagsasabong ang Manny Pacquiao (MP) Promitons ni ‘The Pacman’ at ang TR ni Arum sa pag-promote ng nakatakdang laban nito sa Malaysian capital. Pero giit ng kampo ng 39-anyos na senador, na tapos na ang kontrata niya sa Amerikanong promoter.

Sa kabila nito, malamang na ang Top Rank pa rin ang humawak ng promotion ng laban nina Pacquiao at Matthysse sa Amerika sa pamamagitan ng ESPN.

“Pacquiao contended he was a promotional free agent, but in the end, it’s likely Top Rank will handle distribution of the fight in America on ESPN,” ayon sa report ni Mike Coppinger sa website ng The Ring.