Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pacquaio ehemplo ng isang tagumpay

0 70

Halatang nakakaramdam na ng takot ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng propagandang mahina ang utak ni Sen. Manny Pacquiao. 

Pinapalabas ng mga promotor sa pangba-bash kay Pacquiao na mahina ang ulo nito kaya hindi bagay sa mas mataas na puwesto, hindi bagay maging presidente. 

Isa-isahin nga natin ang mga nagawa ni Pacquiao at tingnan natin kung tunay ngang mahina ang kanyang ulo. Mula sa pagiging isang kahig, isang tuka ay nagawa ni Pacquaio na mangarap, magsumikap at higit sa lahat ay magtagumpay. 

Una siyang nagpakilala sa larangan ng boksing at nakuha nya ang respeto hindi lamang ng mga kapwa nya Filipino kundi buong mundo. 

Naiahon ni Pacquiao ang sarili sa kahirapan, nabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya, sumikat at naging bilyonaryo.

Sabagay marami namang boxer na sumikat at yumaman. Pero ibang klase ang isang Manny Pacquiao dahil hindi lang isang belt o isang korona ang tinarget niya–walo pa. Pinakyaw ang mga walong dibisyon.

Sa gitna ng tagumpay, hindi siya naging madamot sa pagtulong sa kapwa. Sa bawat pakikipagbangasan ng mukha ay hindi lamang tagumpay para sa bansa ang kanyang iniuuwi kundi kaliwa’t kanang pagtulong sa mga taong nangangailangan.

SM food to go Banner Ad

Sunod na pinangarap ni Pacquiao na maging kongresista at napagtagumpayan nya. Pinangarap na maging senador at ngayo’y nasa Senado siya.

Mahigit 96 panukala ang inakda at inihain for resolution. Mantakin mo 96 bills! Yan ba mahina utak?

Ngayong lumalakas ang suporta kay Pacquaio na tumakbong presidente ay nagkandarapa  ang ilang grupo para harangin ang pursigidong kamao nito. 

Hindi nga naman kasi makukulayan ng korapsyon at pagnanakaw sa pondo ng bayan si Pacquaio dahil sariling dugo’t pawis ang ginamit nito para makamtan anumang tinatamasang kasaganaan sa buhay. Hindi na rin pwdeng hanapan ng ibang personal na kasiraan si Pacquiao dahil isang magandang ehemplo ang ipinapakita nito bilang mabuting padre de pamilya–responsable at may takot sa Diyos.

Kung ang mga tagumpay na ito ay nagpapakita ng kahinaan ng ulo, hindi namin alam kung ano ba ang sukatan para masabing  isa kang taong matalino.

Paano ba maging matalino? Paano ba sukatin ang isang tao para masabing  mahina ang kanyang utak?

Mula sa pagiging mahirap ay nagawang iaangat ni Manny Pacquiao ang kanyang buhay. Hindi kaya mula sa pagiging mahirap na bansa ay kaya rin niya tayong iangat? 

Sino ba ang dapat pagtiwalaan: ang isang mahina daw ang utak na tulad ni Pacquaio na sa isang gabi ay kayang kumita ng hanggang P10 bilyon dahil sasabak ito sa ring uli o ang isang pulitikong korap, komisyonero at kawatan na gustong maluklok sa pinakamataas na puwesto?

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.