Una sa Balita

Pacman pinagreretiro ni Duterte

By
0 1,207

KUALA Lumpur, Malaysia — Kung si Pangulong Rodrigo Duterte ang tatanungin, gusto niyang­ mag­retiro na sa boksing si Senador Manny Pacquiao­ matapos angkinin ang World Boxing Association (WBA) welterweight belt mula kay Argentine boxer­ Lucas Matthysse.

“I’d like to see my friend rest on his laurels at this time and enjoy life,” pahayag ni Duterte na nanood sa laban ni Pacquiao sa Axiata Arena kahapon.

“He (Pacquiao) has so much money already, no problem,” dagdag pa nito.

Dahil sa panalo na tinaguriang ‘fighting senator’, mas lalo aniya siyang ganado sa kanyang pakikipagdayalogo kay Malaysian Prime Minister ­Mahathir Mohamad.

“I have no regrets that I came earlier to watch the fight. It’s a good one, it’s the first time that I have traveled outside the Philippines just to see him fight,” pahayag ni Duterte sa mga reporter.

Sinabi naman ni Mahathir na ‘historical day for Malaysia’ ang pagkapanalo ni Pacquiao kay Matthysse.

Nagpasalamat naman si Pacquiao sa dalawang lider na nanood sa kanyang laban.

“Mga Pilipino, maraming-maraming salamat, lalo na sa ating mahal na Pangulo,” pahayag ni Pacquia­o sa panayam ng ABS-CBN News.

“We have a good President… and thank you, Mr. President for being our president. And also the Prime Minister, Mahathir, thank you so much to all your support,” dagdag nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy