Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pacman No. 5 sa ‘The Ring’

0 47

PASOK pa rin welterweight division rating ng The Ring Magazine si ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao kahit nalugmok kay Yordenis Ugas ng Cuba para sa WBA super world welterweight title noong nakaraang buwan.

Pumanglima ang 42-year-old boxing legend kahit olats via unanimous decision kay Ugas sa sagupaan nila sa Las Vegas.

Nanguna sa welterweight ranking si Errol Spence Jr kasunod si Terence Crawford, pangatlo si Ugas, at pang-apat si Shawn Porter.

Sa kabilang dako, nanguna at pumangalawa sa bantamweight division rating ng The Ring si WBC champion Nonito Donaire at WBO champion Johnriel Casimero, ayon sa pagkakabanggit, kasunod si World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) bantamweight champion Naoya Inoue ng Japan.

Panglima naman si WBO international featherweight champion Mark Magsayo sa featherweight division rating habang upo sa ikalima at ikapitong puwesto ng junior bantamweight rating si reigning IBF champion Jerwin Ancajas at Donnie Nietes.

Para sa strawweight division rating ng The Rings, pasok sa panglima, pang-anim at pangpito sina Pinoy boxer Vic Saludar, Rene Cuarto at Pedro Taduran habang pang-10 si Melvin Jerusalem. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.